1 PATAY, 4 SUGATAN SA ARARO NG ELF TRUCK SA CAMPUS

CAVITE – Patay ang isang babaeng estudyante ng Cavite State University (CvSU) habang inoobserbahan ang apat na iba pa nang araruhin ng isang ELF truck matapos na makalimutang i-hand break ng driver nito sa loob mismo ng nasabing campus sa bayan ng Indang sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Elaiza Gerielle Tesoro, 1st year college student, at residente ng Brgy. Luciano, Trece Martires City, habang inoobserbahan pa sa ospital sina Fiona C. Gatchalian, Denise Chloe R. Ricohermoso, Pauline E. Diga, at Angelo S. Magno, pawang mga estudyante.

Kinilala naman ang driver ng isang puting Canter ELF truck na may plakang SKM 564, na si Federico Baculan y Galang, ng Binambangan St., Indang, Cavite.

Ayon sa ulat ni P/SMSgt, Nimuel Ace Ferrera ng Indang Police Station, dakong alas-9:55 ng umaga nang mangyari ang insidente sa loob ng CvSU main campus sa Saluysoy Resort, Indang, Cavite,

Pawang nakaupo umano at nagbabasa ang mga estudyante sa isang sementadong hagdanan sa bahagi ng swimming pool, nang araruhin sila ng Elf truck na minamaneho ni Baculan makaraang nakalimutan nitong i-hand break ang nasabing truck habang nakaparada sa outpost area

Namatay noon din si Tesoro habang isinugod sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang apat na iba pa. (SIGFRED ADSUARA)

31

Related posts

Leave a Comment