11TH OFW & FAMILY SUMMIT 2022 ITINAKDA SA NOV. 18, 2022

INIMBITAHAN ni Sen. Cynthia A. Villar ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs), Seafarers, at kanilang pamilya na lumahok sa 11th OFW & Family Summit 2022 sa November 18, 2022.

Idaraos ang summit na may temang “BAGONG SIMULA SA SARILING BANSA,” sa The Tent, Vista Global South, C5 Extension Road, Las Piñas City.

Tatalalayin sa summit ang wise investments at mga negosyong maaring simulan ng OFW at miyembro ng kanilang pamilya.

Ipinahayag ng senador na kilala sa pangangalaga ng karapatan at kapakanan ng ating migrant workers na kailangan silang magpa-rehistro para makalahok sa summit raffle draw.

Aniya, magkakaroon ang mga lalahok ng pagkakataong manalo ng lupa at bahay, motorsiklo, pangkabuhayan showcase, home appliances at maraming iba pang premyo.

“Registration is a must. It also entitles an OFW or family to a raffle for the summit,” giit ni Villar. (ESTONG REYES)

10

Related posts

Leave a Comment