13 SABUNGERO TIMBOG SA LAGUNA

LAGUNA – Arestado ang 13 sabungero makaraang salakayin ng nga tauhan ng RSOU-4A ng Laguna PNP ang isang ilegal na tupadahan sa Brgy. San Isidro, San Pablo City sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang apat na sasabunging manok at perang pamusta na nagkakahalaga ng P5,360.

Ang naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng San Pablo City Police station at nahaharap  sa kasong paglabag sa PD 1602 (illegal gambling).

Ayon kay Police Colonel Randy Glenn Silvio, provincial director ng Laguna PNP,  natukoy ang lugar ng tupadahan dahil sa sumbong ng mga residente roon.

Hinikayat nito ang publiko na ipagbigay-alam agad  sa pulisya kung mayroon silang nakitang mga illegal na gawain sa lalawigan ng Laguna.

(NILOU DEL CARMEN)

45

Related posts

Leave a Comment