14-ANYOS PATAY SA DEMOLISYON

NAWALAN na ng bahay, nawalan pa ng mahal sa buhay ang isa sa mga residenteng dinemolis sa Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Sinabing inatake sa puso ang 14-anyos na si Mica Antoinette Ferrer nang makitang ginigiba ng demolition team ang kanilang bahay kamakalawa sa V.V. Soliven Open Space sa naturang barangay.
Alas-3:00 ng hapon nang simulan ang paggiba sa kabahayan ng nasa 100 pamilya.

Ang demolition team ay sinamahan ng mga armadong pulis at assault team na pinangunahan ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay.

Bunga nito, hiniling ng pamilya ng dalagita sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsiyasat upang mabigyang katarungan ang sinapit ng biktima.

Naghihimutok din ang mga residente dahil pinabayaan umano sila ng Antipolo City Government na pansamantalang manatili sa semento sa covered court sa nasabing lugar imbes mabigyan ng relokasyon. (KNOTS ALFORTE)

3

Related posts

Leave a Comment