15 PAMILYA NAWALAN NG TIRAHAN SA TONDO FIRE

SUMIKLAB ang sunog sa isang residential area sa Tondo, Manila kung saan 15 pamilya ang naiulat na nawalan ng tirahan kahapon.

Halos 10 oras ang tinagal ng sunog na umabot ng ikalawang alarma bago idineklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) na kontrolado na sa Benita Street sa Brgy. 186 Tondo, Manila, alas-11:22 ng umaga nitong Martes.

Sa ulat ng BFP, 15 pamilya ang nawalan ng tirahan at tinatayang P20-M ang halaga ng pinsala.

Kabilang na rito ang isang gusali na pinag-iimbakan at patahian ng mga tela at damit. Naging pahirapan ang pag-apula sa apoy dahil sa tambak na mga tela.

Isa sa dalawang bumberong unang naitalang sugatan ay nabugbog ng mga residente, habang nasa maayos nang kalagayan ang dalawang iba pa na nasugatan sa sunog.

(JULIET PACOT)

230

Related posts

Leave a Comment