17-ANYOS ESTUDYANTE NATAGPUANG PATAY

CEBU – Isang 17-anyos na dalagitang senior high school student ang natagpuang patay sa Toledo City sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Toledo police, nadiskubre ang bangkay ng biktima sa masukal na lugar sa gilid ng kalsada sa Purok 2, Sitio Saksak, Barangay Bunga Lutopan.

May mga sugat at pasa ito sa kanyang leeg at walang pang-ibabang saplot nang matagpuan habang natatabunan ng mga dahon ng saging.

Kinilala ng Toledo police ang biktimang si Sharmaine Flores Montebon, estudyante ng isang Catholic school.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-6:00 noong Huwebes ng gabi matapos na magpa-load sa isang tindahan.

Nakita pa ito ng mga barangay tanod na nakatayo malapit sa isang poste ng ilaw.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga tauhan ng SOCO at inaalam kung ano ang ikinamatay ng biktima at kung sino ang responsable sa krimen.

Inaalam din ng mga awtoridad kung ginahasa ang biktima bago pinatay.

(NILOU DEL CARMEN)

337

Related posts

Leave a Comment