17 PAGYANIG NAITALA SA BULKANG BULUSAN

PATULOY na nararamdaman ang mga pagyanig sa paligid ng Bulkang Bulusan.

Nitong Sabado ay naramdaman ang 17 pagyanig sa paligid nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala rin ang pagbuga ng mahinang usok sa tuktok ng bulkan sa nakalipas na magdamag.

Sinabi ng Phivolcs, nakataas pa rin ang alert level 1 sa paligid ng bulkan.

Bunsod nito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4 kilometer-radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa panganib ng pagputok ng bulkan. Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anomang uri ng aircraft malapit dito.

Ang Bulusan Volcano na kilala rin bilang Bundok Bulusan ay matatagpuan sa bayan ng Sorsogon sa Bicol region.
(PAOLO SANTOS)

48

Related posts

Leave a Comment