19-ANYOS NA UMANO’Y NPA SUMUKO

QUEZON – Isang 19-anyos na estudyante na nagsabing miyembro ng rebeldeng New People’s Army, ang sumuko sa mga awtoridad sa bayan ng San Andres sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa report ng San Andres Police, ang kabataaang rebeldeng si alyas “Ka Dodong” ay sumuko sa mga tauhan ng 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC) at mga tauhan ng 85th IB  ng Army, sa himpilan ng San Andres Municipal Police.

Isinuko nito ang kanyang baril na isang .38 caliber revolver.

Ayon dito, na-recruit siya ng isang NPA member na si alyas “Ka Bingot” noong Pebrero 16, 2016 at natalaga sa Militiang Bayan sa Bondoc Peninsula area sa Quezon.

Kalaunan ay naging recruiter ito ng mga kabataan para maging miyembro ng NPA sa mga bayan ng San Narciso, San Andres, San Francisco, at Mulanay.

Nahirapan na umano siya sa buhay sa kabundukan at gusto na niyang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at mabuhay nang normal kaya napagpasyahan niyang sumuko sa pamahalaan. (NILOU DEL CARMEN)

14

Related posts

Leave a Comment