2 BABAENG TULAK TIMBOG SA P700K SHABU

LAGUNA – Arestado ang dalawang babaeng nakatala bilang high value individuals (HVIs) makaraang makumpiskahan ng mahigit P700,000 halaga ng umano’y shabu sa Calamba City noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Kharima” at “Normalah”.

Ayon sa report, nadakma ang dalawa ng mga tauhan ng Calamba City Police sa isinagawang buy-bust operation sa bus stop sa Suero Compound, Brgy. Paciano.

Nakumpiska sa mga suspek ang 113 grams ng umano’y shabu na tinatayang P768,400 ang halaga.

Nakakulong na ang mga suspek sa Calamba City Police station locked-up cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(NILOU DEL CARMEN)

46

Related posts

Leave a Comment