2 BATA KAPWA PATAY SA NABUWAL NA PUNO

CEBU – Dalawang bata ang namatay makaraang mabagsakan ng nabuwal na puno ng buli sa Sitio Luy-a, Barangay Lamac, sa bayan ng Pinamungajan sa lalawigan noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang dalawang batang biktima na sina John Mark Abarquez, 15, nakaupo sa kanyang motorsiklo nang mangyari ang insidente, at John Kyle Cabilino, 12-ayos.

Ayon sa report ng Pinamungajan Police, dakong alas-2:00 ng hapon, pauwi na ang mga biktima, kasama ang ilan pang bata galing sa paglilinis ng damo sa bukid, nang pansamantalang sumilong ang mga ito sa puno dahil sa init ng panahon.

Subalit bigla na lamang natumba ang puno at nabagsakan ang dalawang bata na parehong agad namatay noon din.

Nasugatan din sa insidente ang apat pang menor edad na kinilalang sina sina “Junior”, 14; “Reneil”, 14; “Walter, at 13-anyos na si Sandra.

Isinugod ang mga ito sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City.

Napag-alaman, matagal nang nabubulok ang katawan ng puno at binabalak na itong tuluyang putulin ng barangay bago nangyari ang insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

133

Related posts

Leave a Comment