P680K SHABU NASAMSAM SA COCK BREEDER

CAVITE – Umabot sa mahigit kalahating milyong pisong halaga ng shabu ang nasamsam sa arestadong high value individual sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Gamol”, 29, cock breeder, residente ng Brgy. Sto. Niño 2, Dasmariñas City.

Ayon sa ulat ni Police Corporal Edhcel Manalo ng Tanza Police Station, dakong alas-8:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Team ng Tanza Police Station sa Brgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may market value na P680,000.

(SIGFRED ADSUARA)

37

Related posts

Leave a Comment