2 BUNTIS, 1 PA TIMBOG SA P.5-M SHABU

UMABOT sa halos kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek pasado alas-10:00 ng gabi noong Linggo sa ikinasang operasyon ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District, sa pamumuno ni SPD District Director, P/Brig. Gen. Kirby John Brion Kraft, sa Makati City.

Isinagawa ang buy-bust operation ng isang lady police officer na tumayong poseur buyer, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang babae at isang lalaki sa Pateros Street, Barangay Olympia, Makati City.

Katuwiran ng dalawang buntis, wala silang hanapbuhay at kailangan nilang kumita para sa nalalapit na panganganak.

Nakuha sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may timbang na 67 gramo, at P500 na marked money na ginamit sa drug buy-bust operation.

Kinilala ang tatlong naarestong mga suspek na sina Marlon San Miguel Eusebio, Noemi Guinto Magat, at high value individual na si Sasha Gandawali Utto.

Ang nakumpiskang hinihinalang shabu ay agad na dinala sa SPD Forensic Unit para sa qualitative at quantitative analysis habang ang tatlong naarestong suspek ay dinala sa SP-DDEU office para sa documentation at disposition habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article 2 ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang hakbang ay bahagi ng kautusan ni National Capital Region Police Office o NCRPO Acting Regional Director P/Brig. Gen. Jonnel Estomo na sugpuin ang ipinagbabawal na droga sa labing-anim na lungsod at isang bayan sa Metro Manila. (DAVE MEDINA)

5

Related posts

Leave a Comment