2 GUN RUNNERS TIMBOG SA TONDO

ARESTADO ang dalawang hinihinalang gun runners sa inilatag na entrapment operation kaugnay ng “Oplan Paglalansag Omega” at

“Salikup lV”, ng mga operatiba ng Manila Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa panulukan ng Herbosa at Mata Streets sa Tondo, Manila noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Joseph Ching, 23, at Patrick Miranda, 29, kapwa miyembro ng Salvador criminal group at residente ng Dagupan, Tondo.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Benedick Poblete, hepe ng Manila CIDG, bandang alas-9:10 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation sa nasabing lugar,

Sa pangunguna ni Poblete, kasama sina Police Major Ronald De Leon, Patrolman Benigno Galpo at ilan nitong tauhan ay nadakip ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang .45 kalibreng baril, dalawang magazines ng .45 caliber, at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions). (RENE CRISOSTOMO)

148

Related posts

Leave a Comment