2 HIGH VALUE INDIVIDUALS HULI SA BUY-BUST

CAVITE – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nasa listahan ng high value individual (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 and 11, ng Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Manuel Zamora y Suriaga, 60, binata, ng Brgy. San Dionisio, atAl Rumidas y Mangigen, 18, binata, ng Brgy. Datu Esmael, kapwa ng Dasmariñas City.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilson Candaba ng Dasmariñas City, dakong alas-4:00 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Police Intelligence Unit, Cavite Police Provincial Office, sa Brgy. H2, Dasmariñas City, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P172,500, buy-bust money at P600 cash. (SIGFRED ADSUARA)

413

Related posts

Leave a Comment