2 JEEP INARARO NG TRUCK SA SLEX, 2 PATAY

0

LAGUNA – Dalawa ang patay matapos araruhin ng trailer truck ang dalawang service jeepney na nakatigil sa northbound lane ng SLEX sa bayan ng Cabuyao, Huwebes ng madaling araw.

Batay sa report ng Regional Highway Patrol Unit -IVA, na-flat ang gulong ng unang cargo jeepney na minamaneho ni Joseph Agdan kaya huminto ito sa Lane 3 ng SLEX bandang alas-2:50 ng madaling araw.

Tinulungan it ng ka-convoy na jeep na minamaneho ni Limuel Rosales, 31, na tumigil sa shoulder lane sa unahan ng nasiraang jeep.

Ngunit dahil nasa gitna, hindi ito agad napansin ng paparating na tractor head trailer truck na minamaneho ni David Caquilala, at nasalpok.

Parehong nasugatan ang dalawang driver at kapwa isinugod sa Calamba City Medical Hospital ngunit idineklarang dead on arrival si Agdan.

Binawian din ng buhay ang pahinante ng jeep na si Marco Rosales habang sugatan ang isa pa na si Michael Mendoza.

Nasa kustodiya na ng Calamba City Police ang driver ng truck. (NILOU DEL CARMEN)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment