2 MWPs NASILO SA VALENZUELA, MALABON

ARESTADO sa mga awtoridad ang isang lalaking nasa most wanted list ng lalawigan ng Aurora, sa kahabaan ng Encarnacion St., Barangay Dalandanan, Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela City Police chief, Col. Salvador S. Destura Jr., inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section (WSS), at Maria Aurora Municipal Police Station ang suspek na kinilalang si Elmerchor Coro, 42-anyos.

Si Coro ang sinasabing number 5 most wanted person sa municipal level at number 10 sa provincial level.

Ang pagkakadakip kay Coro ay bunsod ng ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Enrico Voltaire Rivera ng Baler Regional Trial Court Branch 91, sa kasong panggagahasa noong Disyembre 28, 2021.

Walang inirekomendang piyansa hinggil sa kaso nito.

Samantala, arestado rin ng pulisya ng NPD ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person, sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City.

Ang naarestong akusado ay kinilalang Geoffrey Bonifacio, 39, ng No.9 Isagani St., Brgy. Acacia, Malabon City.

Nadakip si Bonifacio matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya ukol sa kinaroroonan nito, dakong alas-6:30 ng umaga.

Si Bonifacio ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas  ng Regional Trial Court (RTC) Branch 169, Malabon City noong Oktubre 6, 2022 para sa kasong attempted murder.

Pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng DID-NPD ang akusado. (ALAIN AJERO)

19

Related posts

Leave a Comment