2 MWPs NATUNTON SA MEYCAUAYAN JAIL

NATUNTON ng mga operatiba ng Tracker Team ng Manila Police District – Pandacan Police Station 10, ang dalawang most wanted person sa kasong robbery holdup, sa male dormitory ng Meycauayan City Jail sa Barangay Camalig, Meycauayan City, Bulacan.

Base sa ulat na nakarating kay Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, station commander, bandang alas-5:35 ng hapon nang magtungo sa nasabing piitan sina Police Captain Vianny Ortiz at Police Captain Ramel Lucero at ilan nitong mga tauhan upang isilbi ang arrest warrant

sa dalawang suspek na sina Roland Dela Cruz, 44, at Jayson Empasis , 34-anyos.

Inaresto ang dalawa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Thelma Bunyi – Medina, ng Regional Trial Court, Branch 32, ng Manila, sa kasong robbery holdup.

(RENE CRISOSTOMO)

149

Related posts

Leave a Comment