2 NPA NALAGAS SA ENGKWENTRO SA AGUSAN DEL NORTE

AGUSAN DEL NORTE – Dalawang miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang napatay sa panibagong engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at rebeldeng grupo sa sa Sitio Kipundaw, Brgy. Sangay, sa bayan ng Buenavista sa lalawigan.

Kasunod ito ng nagpapatuloy na pursuit operations ng mga tauhan ng 4th Infantry (Diamond) Division laban sa communist terrorist group sa Agusan del Norte, na nagresulta sa pagka-neutralize sa siyam na miyembro ng NPA sa nakalipas na dalawang linggo.

Sa panibagong engkwentro noong Lunes ng madaling araw, sa pagitan ng mga tropa ng 23rd Infantry (Masigasig) Battalion at mga miyembro ng Sub-Regional Sentro De Gravidad – Sagay, ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) ng CPP-NPA-NDF, napatay ang dalawang NPA at nahuli ng isa pa matapos iwanan ng tumakas nilang kasamahan.

Nakumpiska ng mga tropa ng pamahalaan ang dalawang matataas na armas – isang M16 rifle at isang M4 rifle.

Hindi pa nakikilala ang napatay na mga rebelde sa engkwentro.

Nagsimula ang serye ng mga engkuwentro sa mga lugar sa Sagay noong Enero 16, sa hinterland area ng Sitio Calaitan, Brgy. Simbalan, Buenavista, Agusan del Norte na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang NPA.

(NILOU DEL CARMEN)

160

Related posts

Leave a Comment