2 NPA PATAY, 2 PA ARESTADO

NAPATAY ang dalawang hinihinalang Communist NPA Terrorist habang arestado ang dalawa pa nilang kasamahan sa inilunsad na tactical operation ng Philippine Army 4th Infantry Division sa Sitio Vertudazo, Brgy. San Juan, Bayugan City, Agusan Del Sur kahapon ng madaling araw.

Nakasamsam din ang tropa ng Army 4ID ng dalawang high powered firearms kasunod ng sagupaan.

Sa ulat, naglatag ng joint operation ang pinagsanib na puwersa ng 3rd Special Forces Battalion (3SFBn) sa ilalim ng 401st Infantry Brigade na pinamumunuan ni Brig. Gen. Rommel Almaria, at 65th Infantry Battalion at 2nd Scout Ranger Battalion (2SRBn) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng  901st Infantry Brigade at pinamumunuan ni Brig. Gen. George Banzon kasunod ng mga sumbong ng mga local resident hinggil sa presensya ng CPP-NPA.

Ayon kay BGen. Almaria, nagkaroon ng 15 minutong palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang hindi pa nakilalang komunista.
Pinapurihan naman ni BGen Banzon ang pinagsanib na pwersa ng 65IB and 2SRBn, at 401st Brigade’s 3SFBn. (JESSE KABEL RUIZ)

131

Related posts

Leave a Comment