2 PATAY SA BULACAN AMBUSH

HINDI na nakuhang isugod pa sa pagamutan ang dalawa kataong lulan ng isang government vehicle na nagsisilbing convoy ng isang konsehal makaraang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa San Jose Del Monte City sa lalawigan ng Bulacan.

Sa paunang ulat ng pulisya, lulan ng isang Toyota Innova na may plakang SJN-168 sina Allan Rebuijo at Rodolfo Capulong nang tambangan ng mga armadong lalaking sakay naman ng isang Toyota pick-up sa Benjamin-II Village, Barangay Graceville sa nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naghatid lamang umano sa nasabing lugar ng regalong lechon ang mga biktimang kapwa empleyado ng isang konsehal na hindi pa mabatid ang pangalan.

Sa salaysay ng mga saksi sa San Jose Del Monte local police, mabilis na tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Barangay Tungkong Mangga matapos paulanan ng bala ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad namang nagdispatsa ng mga pulis ang SJDM-PNP para tugisin ang mga suspek na posible anilang dumiretso sa Barangay Malaria na sakop ng Caloocan City. Kasalukuyan namang nirerebisa ang mga close circuit television (CCTV) camera sa pag-asang nahagip ang insidente at ang pagtakas ng mga suspek. (ELOISA SILVERIO).

2

Related posts

Leave a Comment