2 RAPE SUSPECTS NASUKOL NG PNP BICOL

DALAWANG suspek sa panggagahasa ang nadakip ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo sa magkahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Aurora at Masbate.

Kinilala ni P/BGen Estomo ang nadakip sa Aurora Province na si Jovinal Ugale Molina, 61, tinaguriang no. 5 most wanted person sa Viga Municipal Police Station.

Si Molina ay suspek sa panggagahasa sa isang dalaga sa bayan ng Viga. Pagkaraan ay nagtago ang suspek ng halos 16 taon hanggang sa madakip sa Sitio Kipit, Purok 6, Brgy. Dinadiawan, Dipaculao, Aurora Province.

Samantala, nadakip din ng mga tauhan ng PNP-PRO5 ang isa pang rape suspek sa Uson, Masbate.

Kinilala ang suspek na si Dionito Romano Rivera, 63-anyos, inaresto ng Aroroy Municipal Police Station dahil sa apat na bilang ng kasong rape.

Si Rivera ay suspek sa panggagahasa sa isang dalagitang estudyante sa bayan ng Aroroy sa lalawigan ng Masbate noong 2020. (JESSE KABEL)

3

Related posts

Leave a Comment