2 RIDER PATAY, 1 SUGATAN SA SALPOK NG KASALUBONG

patay

PATAY ang dalawang motorcycle rider makaraang mabangga ng kanilang kasalubong sa magkahiwalay na aksidente sa mga lalawigan ng Laguna at Cavite nitong Linggo.

Batay sa report ng CALABARZON Police, parehong sumalpok ang dalawang motorsiklo sa kanilang kasalubong dahil sa pag-overtake at pagsakop sa opposite lane ng highway.

Unang namatay ang motorcycle rider na si Charles Jewel Rara matapos na sumalpok sa kasalubong na tractor head truck sa Maharlika highway sa Barangay Makiling, Calamba City, Laguna dakong alas-5:20 ng umaga.

Samantala sa General Trias, Cavite, dead on arrival sa ospital ang motorcycle rider na si Ernesto Hernandez nang sumalpok sa kasalubong na pampasaherong jeep sa C.M. Delos Reyes Ave., Brgy. Panungyanan dakong alas-7:00 ng gabi.

Sugatan naman ang bakrider nito na si Ramil Madlansakay at agad ding isinugod sa ospital. (NILOU DEL CARMEN)

Related posts

Leave a Comment