2 TODAS SA PAMAMARIL SA BATANGAS

BATANGAS – Dalawang lalaki ang namatay sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa lalawigang ito, noong Martes.

Batay sa report ng Batangas Police Provincial Office, unang namatay sa pamamaril sa bayan ng Nasugbu ang biktimang si Marco Ibañez, 45, residente ng Sitio Tala, Barangay Munting Indang.

Ayon sa imbestigasyon ng Nasugbu Police, dakong alas-7:00 ng umaga, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang ito ay harangin ng isang puting kotse na may sakay na dalawang hindi nakilalang lalaki at pinagbabaril ng mga ito si Ibañez saka mabilis na tumakas.

Samantala, patay rin ang tricycle driver na si Joel Leopangco matapos na pagbabarilin ng kanyang kabarangay na si Nelson Britaña sa Barangay Palingowak, San Juan, Batangas dakong alas-7:00 ng gabi.

Sakay ng motorsiklo si Leopangco nang abangan ito ng suspek sa kanyang daraanan at biglang pinagbabaril gamit ang kalibre .45 baril.

Hindi na naitakbo sa ospital ang biktima at namatay noon din habang mabilis na tumakas ang suspek. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

75

Related posts

Leave a Comment