2 TULAK LAGLAG SA BUY-BUST

ARESTADO ang dalawang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Navotas City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Mark Bryan B. Pascual, 20, ng Barangay Tangos South, Navotas City, at Angelo Domingo, 20, ng Barangay San Roque, ng lungsod.

Natimbog ang dalawa sa operasyon ng mga awtoridad sa Judge Roldan St., Barangay San Roque, Navotas City, dakong 9:00 ng gabi noong Nobyembre 2.

Nasamsam sa mga suspek ang 8.5 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P57,800 ang halaga, at P300 na buy-bust money. (ALAIN AJERO)

35

Related posts

Leave a Comment