DALAWANG tulak ng ilegal na droga ang natimbog sa isinagawang buy-bust operation ng Libmanan Municipal Police Station, Camarines Sur Police Provincial Office sa Brgy. Zone 2, San Juan, Libmanan, Camarines Sur noong Miyerkoles ng gabi.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Joel Pobelona y Gopez, 40, ng Valenzuela City, at Marilou Agna y Dela Cruz, 43, ng Brgy. Libod 2, Libmanan, Camarines Sur.
Nakumpiska mula sa kanila ang 5 pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ang mga ito ay pansamantalang nakapiit sa Libmanan Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.
Ang PNP Bicol, sa pangunguna ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, ay nakatutok sa operasyon kontra ilegal na droga upang protektahan ang komunidad mula sa pagkakalulong sa paggamit nito. Ang ilegal na droga ay napatunayan na isa sa mga dahilan nang pagkawasak ng kinabukasan ng maraming indibidwal kaya naman lubos ang pagsisikap ng mga pulis na tapusin na ang problemang dulot nito. (JESSE KABEL)
118