2 TULAK TIMBOG SA SHABU, MARIJUANA SA PASIG

TIMBOG sa pitong gramo ng umano’y shabu at apat na gramo ng marijuana ang dalawang hinihinalang tulak sa anti-drugs operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa C. Raymundo Avenue, Brgy. Rosario, Pasig City.

Ayon sa ulat ni P/Col. Celerino Sacro Jr., kay EPD District Director, P/Col. Wilson Asueta, kinilala ang arestadong mga suspek na sina alyas “Alvin”, 41, call center agent, at alyas “Love”, 49-anyos.

Dakong alas-5:00 ng umaga noong Nobyembre 26 nang masakote sa buy-bust operation ang mga suspek sa C. Raymundo Avenue, sa lungsod.

Nakuha sa mga ito ang 7 gramo ng droga na nagkakahalaga ng P47,600, at 4 gramo ng marijuana bricks na nagkakahalaga ng P480, buy-bust money at shabu paraphernalia.

Kasong paglabag sa Section 5 ng 11 Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang kakaharapin ng mga suspek. (ENOCK ECHAGUE)

41

Related posts

Leave a Comment