2 WANTED RAPIST ARESTADO SA CAVITE

CAVITE – Arestado ng Cavite Police sa bisa ng warrant of arrest ang dalawang wanted sa kasong rape, kabilang ang no. 2 most wanted person city level, sa isinagawang operasyon sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang dalawang naaresto na si Carlo Mariano y Masanque, 23, at Joseph Leona y Glean, 46.

Si Mariano ay inaresto dakong alas-1:00 hapon sa Brgy. Poblacion 4B, Imus City, ng Warrant Section ng Imus City Police at 401st A Maneuver Company RMFB 4A, sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong rape. Nasa listahan bilang no. 2 MWP city Level si Mariano.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Lerio Castigador, ng RTC Branch 15, Naic, Cavite, dinakma rin si Leona dakong alas-8:05 ng gabi sa Brgy. Layong Mabilog, Maragondon Cavite ng mga operatiba ng Naic Municipal Police Station dahil sa kasong rape in Relation to RA 7610. (SIGFRED ADSUARA)

88

Related posts

Leave a Comment