3 BATA UMABSENT SA KLASE, NALUNOD

DAVAO CITY – Tatlong batang lalaki na tumakas sa klase para maligo sa ilog, ang nalunod Liloan Riverside, Purok Sunflower, Barangay Mandug, sa lungsod na ito, noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Takie Sanico, 13; Jerick Redulla, 12, at Kian Bituin, 12-anyos.

Ayon sa report, limang magkakaklase ang nagtungo sa ilog subalit apat lamang sa mga ito ang naligo.

Ayon sa batang si Mark na hindi lumusong sa ilog, napansin niya na biglang lumaki at tumaas ang tubig at pagkaraan ay nakita niyang natangay ng alon at nawala ang tatlong kaklase.

Habang ang kasama nilang si John ay nakalangoy patungo sa pampang.

Agad humingi ng tulong si Mark at mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng Barangay Mandug rescue team at ang 911 Search and Rescue unit, na hinanap ang mga biktima.

Matapos matagpuan ang tatlo, pilit silang isinalba ng mga rescuer ngunit binawian ng buhay ang mga ito.

Ayan kay Mark, napag-usapan nila na umabsent sa klase sa Buhangin Central Elementary School (SPED center) para maligo sa ilog ngunit hindi nila sukat akalain na hahantong ito sa trahedya.

(NILOU DEL CARMEN)

238

Related posts

Leave a Comment