3 RAPE SUSPECTS HULI SA PNP-PRO5

“I just want a clean slate record for persons at large,” I would say the manhunt started again,” pahayag PNP- PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo matapos na madakip ang ilang wanted suspect sa kasong panggagahasa, sa pangunguna ng no.1 most wanted person sa Casiguran, Sorsogon na may kasong two counts ng statutory rape.

Ayon kay Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, nadakip sa ikinasang law enforcement operation ng Sorsogon-Casiguran MPS si Fernando Pancho Lacaste, 73-anyos na magsasaka ng Sitio Kagdagat, Brgy. Boton, Casiguran, Sorsogon.

Nabatid sa report ni P/Col. Arturo Brual Jr., Provincial Director ng Sorsogon, walang piyansang inirekomenda para kay Lacaste dahil sa dalawang kaso ng statutory rape.

Kasunod nito ang pagkakadakip sa isa pang rape suspect na si Christopher Dela Pena Dischoso, 31, ng Brgy. Bacolod, no.1 most wanted person in municipal level ng Magallanes, Sorsogon, dahil sa kasong rape at 2 counts ng statutory rape, sa Brgy. Pantalan, Magallanes, Sorsogon.

Nadakip din nitong nakalipas na araw ang no.1 municipal most wanted person dahil din sa kasong rape sa Cogon, Juban, Sorsogon na kinilalang si Martin Gumba Garcia, 20-anyos, ng Sitio Talinga, Brgy. Cogon, Juban, Sorsogon. (JESSE KABEL)

136

Related posts

Leave a Comment