COVID-19 CASES, SUMIPA SA LAGUNA

LAGUNA – Sumipa pataas ang mga kaso ng COVID-19 sa lalawigang ito, ayon sa datos na inilabas ng Laguna Provincial Health Office noong Martes, Enero 4.

Mula sa 25 aktibong kaso ng corona virus noong Disyembre 29 ay tumaas ito sa 273 nitong Enero 4 dahil sa karagdagang mga kaso ng nasabing sakit sa ilang mga lungsod at bayan sa lalawigan,

Naitala ang pagtaas ng mga bagong kaso sa Santa Rosa City, Calamba City, San Pablo City, at Los Baños.

Samantala, umabot na sa 100,542 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan buhat nang magsimula ang pandemya.

Umabot naman sa 97,124 ang mga nakarekober sa nasabing sakit habang 3,145 ang bilang ng mga pasyenteng pumanaw dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, nananatili namang COVID-free ang siyam na bayan sa Laguna kabilang ang Siniloan, Majayjay, Lumban, Pakil, Santa Maria, Mabitac, Luisiana, Magdalena, at Famy. (CYRILL QUILO)

120

Related posts

Leave a Comment