4 SUSPEK SA DEGAMO SLAY INILIPAT SA CAMP CRAME

MATAPOS ihayag na pinag-aaralan ng prosekusyon ang salaysay ng dalawa sa apat na mga suspek sa Degamo slay case, kaugnay sa posibilidad na ilagay sila sa Witness Protection Program ng gobyerno, pansamantalang inilipat sa kustodiya ng Philippine National Police sa Camp Crame, Quezon City ang apat na isinasangkot sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, kasalukuyang nakadetine na sa PNP Custodial Center ang apat na mga suspek kasunod ng isinagawang inquest proceeding sa Negros Oriental.

Sinasabing para na rin ito sa proteksyon ng mga suspek na kinilalang sina Joven Aber, Benjie Rodriguez, Joric Labrador at Osmundo Rivero na pawang mga ex-army na na-dismiss sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga at nag-Absence Without Official Leave (AWOL).

Sinabi pa ni Col. Fajardo, ang paglipat sa mga suspek sa Custodial Center ng PNP ay para sa kanilang proteksiyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga ito.

Paliwanag ng tagapagsalita, pinagpasyahan ng pamunuan ng PNP na ilipat ang apat na mga suspek sa Camp Crame matapos silang isalang sa inquest proceedings.

Magugunitang dalawa sa apat na mga suspek ang nag-execute ng extrajudicial confession kaya ikinokonsidera ang paglalagay sa mga ito sa Witness Protection Program (WPP) ng pamahalaan. (JESSE KABEL RUIZ)

116

Related posts

Leave a Comment