4 TIKLO SA PAGBEBENTA NG GCASH ACCOUNTS

kulong

ARESTADO sa serye ng operasyon ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang apat na indibidwal dahil sa pagbebenta ng Gcash accounts.

Iniharap ng NBI sa mga mamamahayag ang mga suspek na sina Jay Cortez, Kevin Mark Maboloc, Jeffrey Miguel at Jeffrey Ilagan.

Sa ulat kay NBI Director Medardo De Lemos, gumamit ng undercover Facebook account ang mga operatiba at nakipagtransaksyon sa mga suspek na nag-o-operate umano sa Quezon City at Tondo.

Kasunod nito, isa-isang naaresto ang mga suspek sa Quezon City at Tondo, Manila.

Nabatid na ang bawat account ng mga suspek ay mayroong P100,000.00 transaction at pwede silang makagawa ng hanggang 100,000 na account pa.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Access Devices Regulation Act of 1998. (RENE CRISOSTOMO)

507

Related posts

Leave a Comment