4 TULAK NASILO SA DRUG DEN

APAT na hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang sinakote sa nilansag na isang drug den sa Valenzuela City.

Arestado ang itinuturong drug den maintainer na si Anthony Dalida, 42; at sina Reynaldo PJ Tadaya, 28; Mark Anthony Buan, 32, at Randy Peteza, 34, sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad dakong alas-7:30 ng gabi sa Villa Barretto, Barangay Canumay West, ng lungsod noong Martes, Nobyembre 15.

Ilang buwan umanong minanmanan ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga galaw ng target na si Dalida bago isinagawa ang buy-bust operation.

Bukod sa 17 gramo ng umano’y shabu, nakumpiska rin sa operasyon ang sari-saring drug paraphernalia, isang motorsiklo at identification cards. (ALAIN AJERO)

17

Related posts

Leave a Comment