4 TULAK TIMBOG SA P238K SHABU

UMABOT sa P238,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang madakip sa ikinasang buy-bust operation sa Sampaloc, Manila noong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Katherine Ignacio, 35; Maricel Burdios, 44; Leo Carlo Miralles, 42, at Conrado Trinidad, 6-anyos.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, commander ng Manila Police District  – Sampaloc Police Station 4, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust operation  sa Domingo Santiago Street malapit sa panulukan ng Luzon St., sakop ng Barangay 576, Zone 56 sa Sampaloc na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong sachet ng umano’y shabu na 35 gramo ang timbang at tinatayang P238,000 ang halaga.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

Nabatid kay PLt.Col. Villaruel, sisikapin nitong maging drug-free ang kanyang Area of Responsibility (AOR) kaya iniutos nito kay Police Major Val Valencia, hepe ng SDEU na magsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO). (RENE CRISOSTOMO)

96

Related posts

Leave a Comment