5 MINORS, 1 PA NASAGIP SA ‘BUGAW’ SA PASIG

ANIM na kababaihan, kabilang ang limang menor de edad, ang nasagip mula sa isang ‘bugaw” sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang restaurant sa Shaw Boulevard, Pasig City.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9282 na inamiyendahan sa RA 10364 at RA 11862 o Expanded Anti – Trafficking in Person Act of 2002, at RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation at Discrimination Act ang suspek na kinilalang si Jenalyn Joy Hierco.

Batay sa ulat na isinumite ng Anti-Human Trafficking Division kay NBI Director Medardo De Lemos, isang impormasyon ang kanilang natanggap na umano’y ni-recruit ni Hierco ang isang alyas “Amor”.

Sa pamamagitan ng online, nakikipag transaksyon umano ang suspek sa mga nais magpaligaya sa halagang P5,000.

Agad nagkasa ng entrapment ang mga awtoridad sa isang restaurant sa Shaw Boulevard sa Pasig City.

Nang dumating ang suspek kasama si Amor ay agad itong pinosasan habang nasagip ang lima pang kababaihan. (RENE CRISOSTOMO)

7

Related posts

Leave a Comment