5 NPA PATAY, 4 ARESTADO SA ARMY SA MASBATE

LIMANG mga kasapi ng communist New People’s Army ang napatay ng mga tauhan ng Philippine Army 9th Infantry Division sa Masbate sa sagupaan noong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Armed Forces of the Philippine Public Information Office chief, Col. Jorry Baclor, lima  ang napatay ng 9ID 2nd Infantry Battalion at apat ang nadakip kabilang ang isang sugatan resulta ng isinagawang tactical operation ng militar sa Barangay Guiom, Cawayan, Masbate.

Bukod sa mga napaslang ng military, anim na mataas na kalibre ng baril ang nakuha sa clearing operation sa encounter site.

Sa ibinahaging impormasyon ni Maj. Frank Roldan, spokesman ng Army 9th Infantry Division, bago ang engkwentro, nakatanggap ng walk intelligence information ang mga sundalong naka-deploy malapit sa Barangay Guiom, na nagsasagawa ng community support program, hinggil sa presensya ng 20 armadong kalalakihan.

Agad nagsagawa ng security patrol ang tropa ng 2IB na nagresulta sa mahigit 20 minutong sagupaan bandang alas-6:00 ng umaga bago nagpasyang umatras ang mga NPA at iniwan ang kanilang patay na mga kasamahan kabilang ang isang sugatan na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Regional Health Unit.

Target ng manhunt operation ng mga awtoridad ang tumakas na mga NPA, pahayag pa ni Maj. Roldan.

“With this accomplishment, the AFP is inching closer to ending the communist threat in the province,” pahayag ni 9ID Commander MGen Adonis Bajao.

“MGen Bajao is saddened by this kind of incident,” sabi pa ni Maj. Roldan.

Dagdag pa nito, “We cannot disregard the threat of terrorism that affects our community. Hence, we continue to call on the members of the CTG and encourage them to surrender so that they can be with their loved ones and live a peaceful life. (JESSE KABEL RUIZ)

52

Related posts

Leave a Comment