5 PULIS SABIT SA DRUG OPS NA NAUWI SA RAPE

LIMANG pulis ang sinampahan ng patong-patong na kasong kriminal matapos dalhin sa isang panuluyan ang 19-anyos na dalagang dinakip sa operasyong ikinasa sa Barangay San Nicolas sa lalawigan ng Cebu walong buwan na ang nakalipas.

Bukod sa limang pulis, kaladkad din sa asunto ang police asset na di umano’y kasama ng mga operatibang sumalakay sa bahay ng kaibigan ng biktima Setyembre 19, 2022.

Batay sa kasong inihain sa piskalya, pinilahan di umano ng mga hindi tinukoy na suspek ang dalagang sinaktan muna bago ginahasa. Matapos di umanong pagsawaan, pinakawalan ang biktima.
Ayon kay Lt. Col. Gerard Perare na tumatayong tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) sa Region 7, ilegal ang operasyon ng mga isinakdal na pulis.

“Ito pong operation na ito or the activity was not sanctioned by the station concerned… These were done in their private capacity or personal capacity because as a matter of policy po, this is not how the PNP conducts its operations,” ani Perare.

Kabilang sa mga isinampang kaso sa limang pulis ang kidnapping, serious illegal detention with rape, at paglabag sa Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“While the PNP is very fast in recognizing good deeds, we are also very swift and very determined to make sure that those who violate policies will be penalized accordingly.” (JESSE KABEL RUIZ)

114

Related posts

Leave a Comment