NAKATAKDANG ipinatapon ng Bureau of Immigration (BI) palabas ng bansa ang apat na dayuhan na nahuli kamakailan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bunsod sa paggamit ng mga spurious o bogus na mga dokumento.
Ayon sa report, na-intercept ang mga ito sa magkakahiwalay na petsa bago makasakay sa kani-kanilang mga flight palabas ng bansa.
Batay sa impormasyon, unang na-intercept ang Indian national na si Harpreet Singh Ahitan, habang pasakay noong Pebrero 3 sa kanyang Kuala Lumpur flight papuntang Malaysia.
Kasunod na naharang si Zhang yang, isang Chinese national, bago mag-boarding sa kanyang Philippine Airlines flight noong Pebrero 6 patungong Bangkok, at sumunod si Lee Jihun Korean noong Pebrero 8, dahil sa pagiging undocumented.
At ang pinakahuli ang Indian national na si Maleet Singh, 42, na hindi pinayagang makasakay sa kanyang Thai Airways flight papuntang Singapore, matapos madiskubre na peke ang kanyang immigration arrival stamp, at counterfeit passport. (FROILAN MORALLOS)
