6 TIMBOG SA ANTI-DRUG OPS SA MAYNILA

ANIM na umano’y hinihinalang sangkot sa bentahan ng ilegal na droga ang nabitag ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Manila Police District sa inilatag na buy-bust operation sa Ligaya St., Sampaloc, Manila noong madaling araw ng Sabado.

Nakumpiska sa mga suspek ang 43 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na halagang P292,740.

Base sa ulat na isinumite ni P/Major Inocencio Richard Villanueva, hepe ng District Anti-Illegal Drug Enforcement Unit, kay MPD Director, P/Brigadier General Andre Perez Dizon, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive of Dangerous Drugs Act ng 2022. (RENE CRISOSTOMO)

8

Related posts

Leave a Comment