65-ANYOS NA LOLA NALUNOD SA BATYA

QUEZON – Natagpuang walang buhay ang isang 65-anyos na lola habang nakahandusay at nakalublob ang ulo sa batyang puno ng tubig sa kanyang bahay sa Brgy. Bagong Bayan, sa bayan ng Mauban sa lalawigang ito, noong Biyernes, Marso 12, 2023.

Ang biktima na kinilalang si Lerma Ambon Bataanon ay natagpuan ng kanyang kapatid na si Wally Bataanon na wala nang buhay.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, walang nakikitang foul play sa pangyayari at maaaring ang biktima ay sinumpong ng kanyang sakit at napahandusay sa batya.

Sinabi ng mga kaanak ng biktima na ito ay may epilepsy at matagal nang nagdurusa sa naturang kondisyon. (NILOU DEL CARMEN)

84

Related posts

Leave a Comment