UMABOT sa 71 gun ban violators ang nadakip ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5, habang 65 iba’t ibang uri ng baril ang nakumpiska sa mahigpit na pagpapatupad ng total gun ban sa joint PNP-COMELEC checkpoint.
Sa naitalang 65 insidente, ang lalawigan ng Masbate ang nakapagtala ng pinakamalaking bilang na umabot sa 23, sinundan ng Camarines Sur na may 13; habang 10 sa Sorsogon; siyam sa Albay; walo sa Camarines Norte Norte; dalawa sa Naga habang wala namang naitala sa Catanduanes.
Ayon sa datos ng PNP-PRO5 na ibinahagi ni Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo, 65 assorted firearms at 12 deadly weapons ang kanilang nasamsam sa inilatag na checkpoint, na gagamitin sa paghahain ng kaso sa 71 indibidwal na naaresto mula sa 10, 406 dictated checkpoints at 91 spot checkpoints na isinagawa sa buong rehiyon.
“PRO5 shall continue to intensify its anti-criminality efforts to foil any forms of crime. Extensive preparation is as well undertaken to ensure the delivery of safe, peaceful and credible elections,” pahayag ni P/BGen. Estomo. (JESSE KABEL)
132