84-ANYOS NA LOLO, ITINUMBA NG ARMADO

QUEZON – Hindi inalintana ng masasamang loob ang katandaan ng isang lolo na pinagbabaril ng mga ito sa loob ng bahay sa bayan ng Gen. Nakar, noong Lunes ng hapon.

Patay na nang madatnan ng mga pulis ang 84-anyos na biktima na nakabulagta sa salas ng kanyang bahay sa Barangay Batangan dahil sa mga tama ng bala sa dibdib.

Kinilala ang biktimang si Solomon Martinez Zamora, walang trabaho at residente ng Sitio Rosal, sa Bayan ng General Nakar.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-5:30 ng hapon nang pasukin ito ng tatlong armadong lalaki sa kanyang bahay.

Walang sabi-sabing nagbunot ng baril ang mga suspek at niratrat ang matanda at pagkatapos ay mabilis ding tumakas.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pangyayari at inaalam ang motibo at kung sino ang mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

9

Related posts

Leave a Comment