9 TUBBATAHA RANGERS NASAGIP NG AFP WESCOM

NAGLUNSAD ng rescue mission ang Armed Forces of the Philippine-Western Command gamit ang Philippine Navy  BRP Gregorio del Pilar para iligtas ang siyam na tauhan ng Tubbataha Ranger Station sa Cagayancillo, Palawan.

Ayon sa ulat na nakalap mula sa himpilan ng AFP-WESCOM na pinamumunuan ni Navy Vice Admiral Alberto Carlos, kabilang sa siyam na nailigtas ang tatlong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), dalawang miyembro ng Philippine Navy at apat na sibilyan na nagmamando ng Tubbataha Ranger Station sa Tubbataha Reef, Cagayancillo, ng nasabing lalawigan.

Nabatid na nagpadala ng distress call ang mga ito nang simulang wasakin at hampasin ng malalakas na hangin at alon ang binabatanyan nilang Tubbataha Ranger Station

Nang matanggap ng WesCom ang paghingi ng saklolo, agad idineploy ni WesCom Commander Vice Admiral Alberto Carlos ang BRP Gregorio del Pilar at sinagip ang stranded na mga tauhan ng ranger station. (JESSE KABEL RUIZ)

33

Related posts

Leave a Comment