INIULAT ng pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) na 97 detainees ang kinakailangang ilipat sa Bureau of Corrections sa Muntinlupa City.
Ito ay upang bigyang daan ang gagawing paggiba sa lumang gusali ng NBI.
Ayon sa ulat, 50 taon nang nakatindig ang gusali at kinakailangan itong gawing 12 palapag na may rooftop at may sukat na 49.64 sq. meters ang lawak.
Samantala, naging matagumpay ang idinaos na groundbreaking ceremony sa bakuran ng NBI sa Taft Avenue, Ermita, Manila nitong Martes ng umaga.
Pinangunahan ito ni NBI Director Medardo de Lemos at iba pang mga opisyal mula sa Department of Public Works & Highways. (RENE CRISOSTOMO)
