AFP, PNP NAKIISA SA NATIONAL WOMEN’S MONTH CELEBRATION

KAPWA nakiisa ang mga dating male dominated government security agency, ang Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police, sa pagdiriwang ng National Women’s Month Celebration 2024 kasunod ng simultaneous flag-raising and kick-off ceremony kahapon sa kanilang mga punong himpilan.

Inihanda ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ang serye ng mga aktibidad kaugnay sa Tema ngayong taon na “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan.”

Tampok dito ang inilunsad na exhibit na tinawag na, “HERStory of Women, Peace, and Security in the AFP” na naglalarawan ng iba’t ibang milestones sa women empowerment at gender equality programs sa military.

Isang fun run na nagsusulong para sa welfare, equity, and efficiency sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD), ang itinakda sa Marso 23, habang isang Senior Leader’s Forum on GAD ang magsisilbing platform para sa closing ceremony ng month-long celebration sa Abril 2.

“Over the course of time, the AFP has been a strong supporter of gender and equality, as proven in the pursuit and execution of the AFP Gender and Development. Further, the AFP has made concrete actions in implementing gender-responsive policies to address inequality,” pahayag ni Lt. Gen. Arthur Cordura, AFP Vice Chief of Staff.

Handa rin ang Philippine National Police (PNP) para sa Women’s Month celebration ngayong buwan ng Marso.

Ayon kay PNP Women and Children Protection Center Director Brig. Gen. Portia Manalad, isinagawa kahapon ang kick-off ng mga programa ng PNP para sa mga kababaihan.

Kabilang dito ang ilang internal program na hawak ng DPCR, at pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga kaso na nasa ilalim ng kanilang tanggapan.

Layon aniya nito na masigurong napoprotektahan ang lahat ng kababaihan sa bansa, hindi lamang ngayong buwan ng kababaihan kundi sa lahat ng oras o pagkakataon.

Giit ng opisyal, kailangang matutukan at masawata ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan gaya ng rape, paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and Children, acts of lasciviousness at iba pa.

(JESSE KABEL RUIZ)

113

Related posts

Leave a Comment