AFRICAN NATIONAL LAGLAG SA P17.2-M SHABU

CAVITE – Nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang African national na nahulihan ng P17.2 milyong halaga ng suspected crystal meth o shabu, sa isinagawang anti-narcotics operation sa bayan ng General Trias, sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, nagkasa ng buy-bust operation ang anti-narcotics operatives sa Block 8, Lot 34, Palmdale Village sa Governor’s Hill bandang alas-9:00 ng umaga noong Sabado..

Hindi na nakaporma ang African national na kinilalang si Ezike Valentine Ebuka nang arestuhin ito matapos na magbenta ng kalahating kilo ng shabu sa isang PDEA poseur buyer.

“A kilo of ‘brownish granules substance’ and a kilo of ‘brownish powdered substance’ both believed to be shabu were also found in his possession,” ayon sa ulat.

Tinatayang 2.5 kilo ang nakumpiskang illegal drugs mula sa suspek na may street value na P17,250,000, sa operasyon ng mga operatiba ng PDEA, RO IVA RSET2 at RSET 1, PDEA-Cavite PO,  RDEU-4A, at General Trias MPS

Nahaharap ang dayuhan sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (JESSE KABEL)

43

Related posts

Leave a Comment