AKSIDENTENG NABARIL, PULIS PATAY SA KABARO

LAGUNA – Patay ang isang pulis matapos na aksidenteng mabaril ng kanyang kasamahang pulis sa loob ng barangay hall sa Brgy. 1-B, San Pablo City nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si P/Cpl. Fhrank Aldene Dela Cruz, 30-anyos, tubong Alicia, Isabela, at nakatalaga sa SWAT unit ng San Pablo City Police Station.

Ayon sa report ng San Pablo City Police, naglilinis ng kanilang baril ang biktima at mga kasamahan nito nang aksidente pumutok ang isa sa service fire arms ng grupo dakong alas-8:30 ng umaga.

Lumabas sa imbestigasyon, naghahanda ang mga pulis para sa inspeksyon na gagawin ng Regional Supply Accountable Officer o RSAO para sa kanilang mga baril.

Habang iniinspeksyon ni P/Cpl. George Mervin Cañete Duran ang kanyang service firearm na 9mm na baril nang pumutok ito at tinamaan sa dibdib ang biktima.

Agad isinugod ang biktima ospital subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Pansamantalang ikinustodiya ng San Pablo CPS ang nakabaril na pulis habang patuloy pang isinasagawa ang imbestigasyon. (NILOU DEL CARMEN)

25

Related posts

Leave a Comment