APO NI PANDAY SASABAK SA KONGRESO

NAGDESISYON ang mga lider ng ilang sektoral na organisasyon, pawang kaanib sa Political Officers League of the Philippines o POLPhil, na suportahan ang partido na nauugnay sa yumaong Fernando Poe Jr., binansagan na King of Philippine movies.

Tinukoy ng POLPhil na suportahan ang FPJ Panday Bayanihan Party-list na itinatag sa pangunguna ni Brian Poe Llamanzares, anak ni Sen. Grace Poe at apo ni FPJ.

Matatandaan na puspusang nangampanya ang mag-ina para kay FPJ, kandidato sa pagkapangulo noong 2004 elections.

Ipinahayag ng bawat pinuno ng kabataan, solo parents, magsasaka, kababaihan, community at senior citizens group ang nagkakaisang sentimyento mula sa dinaluhan nilang press conference na pinangunahan ng POLPhil sa Quezon City kamakailan.

Sinabi ni Rico Cajife, POLPhil, Sogod Southern Leyte, na natutuwa silang malaman na katulad ng nilalayon nila ang programa ng FPJ Panday Bayanihan para makamit ang food security, maiahon sa kahirapan ang dustang sitwasyon ng marginalized sector at mabigyan ng hustisya ang lahat, hindi ang iilan.

Ang POLPhil ay matagal nang naghahanap ng mga kampeon, “partikular sa mga kabataang lider na maaaring gumawa ng mga pagbabago na tutulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng karamihan ng mga Pilipinong nanatili sa mahirap,” saad ni Cajife.

Ang FPJ Panday ay tinataglay ang “Filipino Bayanihan spirit, ang pakikiramay at pagbuo ng maunlad na bansa, lalo na sa “pagsulong, at proteksyon ng kagalingan ng nakakarami. Bukal na hangarin paglingkuran ang batayang masa para makamtan ang food security, kaunlaran at katarungan ay maibibigay sa mga Pilipino at hindi sa pribilehiyong iilan, sa pagsusuri ng POLPhil.

Inilahad pa ng grupo ang kanilang kahandaan na bumuo ng alyansa at suportahan ang FPJ Panday Bayanihan Party-list para isulong sa Kongreso ang mga makabuluhang batas na tutugon at magpoprotekta sa kapakanan ng masa.

Sinabi naman ni Acebuche, lider kabataan, na layunin na isagawa ang isang diyalogo at sa huli ay makipag-alyansa sa FPJ Panday Bayanihan Partylist, na inorganisa at napipisil na first nominee na si Dr. Brian Poe Llamanzares, upang katuwang na maisakatuparan at maihain sa Kongreso ang isang batas na tutugon sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap ng sektor ng kabataan at estudyante.

148

Related posts

Leave a Comment