Attention mga misis! MID-YEAR BONUS NG MGA PULIS PWEDE NANG KUBRAHIN

KASABAY ng anunsyo ng magandang balita, pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda ang kabiyak ng mga pulis na pwedeng sila na ang kumubra ng mid-year bonus ng kanilang pulis na asawa.

Ayon kay Acorda, kabilang sa 227,832 PNP personnel ang mga tinaguriang 3rd level officers, sa mga pwede nang mag-withdraw ng pinakahihintay na mid-year bonus.

Katunayan aniya, ipinasok na sa Land Bank of the Philippines (LBP) ang nasa P7.54-bilyong pondong bahagi ng regular PNP appropriation batay sa 2023 budget.

Aniya, maaari nang makuha ang midyear bonus gamit ang automated teller machine (ATM) cards kung saan aniya karaniwang pinapadaan ang sahod ng mga uniformed at non-uniformed personnel ng PNP – maliban na lang sa mga may mga nakabinbin kaso.

“The mid-year bonus – equivalent to a month salary – is a legislated provision in the annual General Appropriations Act that serves as compensation for qualified personnel,” pahayag ng hepe ng pambansang pulisya.

Paglilinaw ng PNP Finance Service, taxable ang mid-year bonus. (JESSE KABEL RUIZ)

270

Related posts

Leave a Comment