AUSTRALIAN HACKER HINARANG SA NAIA

HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang umano’y isang Australian hacker, upang maiwasang magkalat sa Pilipinas ng kanyang modus.

Kinilala ng mga tauhan ng BI’s Border Control and Enforcement Unit (BCIU) ang suspek na si Risteski Borche, 40-anyos, at sakay ng Cebu Pacific flight mula sa Sydney.

Ayon sa report, si Risteski ay nasa ilalim ng Interpol alert bunsod ng pagiging wanted kaugnay sa paglabag ng Art. 251 ng Criminal Code ng Republic of Macedonia, Australian.

Ang nasabing kaso ay may katapat na apat na taong pagkakakulong. (FROILAN MORALLOS)

26

Related posts

Leave a Comment